PNP Chief Dela Rosa: Hindi ako kapit-tuko

     5 months ago
30
Leave a Comment
12 SHARE

Nagpasalamat si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na sa pagpapalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pwesto.

Pero iginiit ni Dela Rosa na hindi siya kapit-tuko bilang PNP chief.

Noon pang January 21 naabot ni Dela Rosa ang kanyang mandatorty retirement age na 56.

Nagkaroon lang anya ang pangulo ng prerogative sa extension ng kanyang termino bilang PNP chief.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya swapang na opisyal at gusto rin niya na makatikim ang iba ng kanyang pwesto.

Pero wala raw itong magagawa kung nais ng pangulo na palawigin ang kanyang serbisyo.

Dagdag ni Dela Rosa, hindi niya iiwanan si Pangulong Duterte at kung kailangan pa ang kanyang serbisyo ay patuloy siyang maglilingkod.

Una nang pinalawig ng pangulo ng tatlo pang buwan ang termino ni Dela Rosa.

 

 

 

 

 

Source link

12 SHARE

Post Comments