PNP, makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa gyera kontra droga – Bato

     5 months ago
25
Leave a Comment
13 SHARE

Kinumpirma ni Philippine National Police chied Director General Ronald “Bato” dela Rosa na makikipagtulungan sila sa preliminary investigation ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng gyera ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ipinahayag ni Dela Rosa na magiging transparent sila sa ICC. Iginiit niya na walang itinatago ang pulisya.

Gayunman, sinabi ng hepe na hindi sila maglalabas ng anumang tactical information dahil malalagay sa panganib ang buhay ng mga tauhan ng PNP.

Nang tanungin kung magbibigay ang PNP ng datos kaugnay ng kampanya, sinabi ni Dela Rosa na hindi niya masasagot ito sa ngayo, dahil kinakailangang sundin ang proseso.

Noong nalaraang linggo, sinimulan na ng ICC ang imbestigasyon kung may hurisdiksyon ito sa mga umano’y crimes against humanity sa ilalim ng gyera ng gobyerno kontra iligal na droga.

Source link

13 SHARE

Post Comments