PNP nagdagdag ng personnel sa tahanan ng mga Demafiles dahil banta

     2 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

ILOILO CITY – Nagdagdag na ng puwersa ang Police Regional Office-6 (PRO-6) sa tahanan ng pamilya Demafelis sa Barangay Ferraris, Sara, Iloilo.

Kasunod ito nang sinasabing banta sa buhay ng pamilya ni Joanna Daniela Demafiles, ang Ilongga OFW na pinatay ng kaniyang mga amo sa Kuwait at itinago ang bangkay sa freezer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni PRO-6 director C/Supt. Cesar Hawthorne Binag, dinagdagan ang uniformed personnel sa tahanan ng mga Demafiles bukod pa sa regional mobile force.

Ayon kay Binag, ang nakaabot sa kanila ay hindi ang tangkang pagpatay sa pamilya Demafiles kungdi ang balak umanong pagdukot sa isa sa mga miyembro ng pamilya.

Una nang sinabi sa Bombo Radyo ng tiyuhin ni Joanna na si Barangay Kagawad Pablo Demafiles na may mga banta sa kanilang pamilya at may mga kahina-hinala umanong tao sa kanilang lugar.

Naniniwala ito na ang perang tulong ng gobyerno sa pamilya Demafiles ang dahilan ng mga natatanggap na banta.

Nabatid na mismong ang Malacañang ang nag-utos na magpadala ng security team sa tahanan ng mga Demafiles.

Source link

Post Comments