PNP naghain na ng motion for reconsideration sa kaso vs Espinosa, Lim, iba pa

     1 month ago
10
Leave a Comment
0 SHARE

Naghain na ng motion for reconsideration ang PNP sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng dismissal sa drug charges laban sa mga suspected drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co, Lovely Impal at ilan pang mga alleged drug personalities.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa matapos na ibasura ng state prosecutors ang reklamong isinampa ng CIDG laban sa mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Tiniyak ng PNP chief na gagawin nila ang lahat ng legal remedies upang mapanagot ang mga umano’y big time drug lords.

Batay sa reklamo ng CIDG si Espinosa, Lim, Peter Co at ilan pang mga personalidad ay magkakasabwat sa pagpapatakbo ng pinakamalaking drug operation sa Visayas.

Si Kerwin, na anak ng napaslang na Albuera Mayor Rolando Espinosa, ay una nang umamin sa harap ng Senado na siya ay sangkot sa distribusyon ng iligal na droga.

Si Lim naman ang umano’y Cebu-based drug king-pin na tinukoy ng Pangulo Duterte noon bilang pinakamalaking drug lord sa bansa.

Habang si Co na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison at umano’y kasama sa mga nagpapatakbo ng drug trade mula sa loob ng pambansang piitan.

“Well its on appeal. Nag-file tayo ng MR pag-junk nila sa kaso ni Peter Lim at Kerwin Espinosa. We will use all our legal remedies na mapapanagot natin sila so naka MR na yan sa prosecution,” wika ni Dela Rosa.

Samantala, sa panig naman ni CIDG chief, Director Roel Obusan, naniniwala ito na may merito ang kanilang kaso laban sa mga nasabing drug personalities.
Positibo si Obusan na mananalao sila sa kaso.

“Actually, we do not exert influence of pressure but we rely on the merit of the case and we believe may merit ‘yung kaso namin dahil nag-file kami ng MR and now it is being looked into and we are still very positive that we will win over,” pahayag pa ni Obusan.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao na sila ay nalulungkot sa naging desiyon ng DOJ subalit umaasa pa rin sila na mababaligtad nila ang desisyon.

“Yung news na yan siyempre malungkot kami considering na major campaign yan ng ating govt,” wika ni Bulalacao.

Aniya, matapos lumabas ang ulat na binasura ng DOJ ang kaso agad nag request ng automatice review sa kaso ang CIDG .

Source link

Post Comments