PNP nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Vice Mayor Lubigan

     2 months ago
51
Leave a Comment
8 SHARE

Nagpaabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde.

Sa isang pahayag, sinabi ni Albayalde na lubhang nababahala at nalulungkot ang PNP sa mga naganap na insidente ng pamamaslang sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Aniya, maging sa naiwang pamilya ng aide ni Vice Mayor Lubigan na si Romulo Guillemer ay nagpapaabot siya ng pakikiramay.

Ani Albayalde, nagsimula na ang kanilang hanay, sa pamamagitan ng special investigation task group, sa pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa pangyayari.

Nangako ito na magsasagawa sila ng malalimang pag-iimbestiga at agad nilang ipaalam kung anuman ang kanilang makalap na impormasyon.

Umapela rin si Albayalde sa publiko na huwag mag-atubiling lumapit sa kanila kung mayroong hawak na impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon at ikareresolba ng kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

8 SHARE

Post Comments