‘Precise leveling data result’ sa ‘pag-deflate’ ng Mayon volcano, ilalabas ngayon – Phivolcs

     6 months ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

LEGAZPI CITY – Inaasahang ilalabas na ngayong araw ang resulta ng isinagawang closure survey o precise leveling survey ng geodetic team sa bulkang Mayon na isinagawa noong nakaraang Sabado.

Ito ay matapos na mabatid mula kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) resident volcanologist Ed Laguerta na nagkaroon ng deflation sa northern portion ng Mayon volcano o sa bayan ng Sto. Domingo habang sinukat din ang southern portion sa bayan ng Libon.

Paliwanag ni Laguerta na sakaling deflated ang ibabang bahagi ng bulkan, maaring walang bagong batch ng magma ang umaakyat habang ang natitirang batch lamang sa itaas na bahagi ang inilalabas sa pamamagitan ng lava flow kaya’t nananatili ang pamamaga nito.

Naobserbahan din umano ang pagbaba ng gas output ngunit hindi pa rin inaalis ang posibilidad na nagkaroon lamang ng kaunting pagitan at muling magaganap ang re-intrusion ng bagong magma.

“For the meantime, ‘yung gas output, halos bumaba ng kalahati, ibig sabihin wala pang bagong batch na umakyat. Dati pa ring magma sa upper portion ang nagdi-degas. Medyo okay na balita ‘yan but it still only three day kaya ‘di pa natin masasabi. Kung mag-continue ang trend, mas maganda.”

Source link

Post Comments