Pres. Duterte ibinida ang naging resulta ng pagbisita niya sa China

     3 days ago
7
Leave a Comment
5 SHARE

DAVAO CITY – Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang resulta ng kanyang pagbisita sa China matapos ang kanyang partisipasyon sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference 2018 sa Hainan Province.

Sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport, kanyang sinabi na isa sa mga napag-usapan ng mga lider ang kahalagahan ng economic cooperation, coordination at collaboration sa mga bansa sa Asya para makamit ang kaunlaran.

Ikinagalak rin ng Pangulo ang 9 business agreement na kanyang nilagdaan sa kanyang pagbisita sa China kung saan magbibigay umano ito ng investment at trabaho sa maraming mga Pilipino.

Sinabi rin ng punong ehekutibo na bahagi rin ng Memorandom of Understanding (MUO) sa pagitan ng China at Pilipinas ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino english teachers simula ngayong taon kung saan valid ito ng dalawang taon at maaari pa na ma-renew.

Sa kanyang pagbisita sa China, nanguna ang pangulo sa pagpirma ng mga business letters of intent (LOI) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at China kung saan ilan sa mga investment na pagtutuonan ay ang areas ng agrikultura, teknolohiya, pharmaceuticals, land development, ug imprastraktura para sa bansa.

Dumating ang Pangulo pasado alas dose ng madaling araw kasama ang kanyang mga Cabinet secretaries at anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.

Source link

Post Comments