Presidential Son Paolo Duterte sasampahan ng kasong kriminal si Sen. Trillanes

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Sasampahan ng reklamong kriminal at sibil ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay dahil sa pagsasangkot sa kaniya ni Trillanes sa P6.5 billion na halaga ng smuggled na shabu.

Sinabi ni Paolo Duterte na kakasuhan niya si Trillanes dahil sa malisyoso nitong pagwasak sa kaniyang pangalan, reputasyon at integridad at sa mga gawa-gawang alegasyon nito at pagpapakalat ng black propaganda.

Magugunitang sa senate hearing, nagpakita pa si Trillanes ng larawan ng nakababatang Duterte kasama si Kenneth Dong na siya umanong nagsilbing middle man sa multi-billion peso shabu scam.

Binanggit din ng senador na si Paolo Duterte ay may tattoo sa kaniyang likod na patunay na siya ay bahagi ng “triad” o isang international crime syndicate.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments