Presscon ni Pang. Duterte, glamoroso at mala-showbiz; Atty. Panelo, magsisilbing co-host

     5 days ago
45
Leave a Comment
12 SHARE

Magiging kaabang-abang ang press conference ni Pangulong Rodrigo Duterte alas 3:00 ng hapon ng Martes sa Malakanyang.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, magiging glamoroso ang presscon ng pangulo.

Sinabi pa ni Go na magiging showbiz type ang presscon ng pangulo kung saan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang magsisilbing co-host niya.

Isa aniya sa mga isyu na tatalakayin ng pangulo ang Proclamation number 572 na nagpawalang-bisa sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Bukod kay Trillanes, matatalakay din aniya sa press conference mamaya ang mga maiinit na isyu na bumabalot ngayon sa lipunan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

12 SHARE

Post Comments