‘Pressurized pocket,’ dahilan ng ‘phreatic eruption’ ng Mayon; 30 rockfall na naitala

     3 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

(Update) LEGAZPI CITY — Ibinunyag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na patuloy ang pagbaba ng mga bato o rock fall mula sa lava dome ng Bulkang Mayon.

Ayon kan PHIVOLCS-Legazpi Chief Ed Laguerta, umabot na sa 28 ang naitala nilang rockfall sa loob lamang ng magdamag na pagbabantay.

Umabot din aniya ng isang oras ang pagbuga ng abo ng bulkan batay na sa kanilang record.

Ayon pa kay Laguerta, medyo delikado ang nasa southeast side ng bulkan kung saan nakaharap ang lava dome dahil dito gumugulong ang mga bato.

Maliban sa inisyal na phreatic eruption, may posibilidad din umanong magdire-diretso ito sa pagputok ngunit pagbabatayan ang made-detect ng instrumento.

Dagdag pa ng opisyal na posibleng ang “pressurized pocket” ang naging dahilan ng pagputok nito maliban pa sa naitalang mga paglindol at pag-ulan.

Ito rin aniya ang dahiln kung bakit hindi ibinababa ng PHIVOLCS ang alert status ng bulkan.

Source link

Post Comments