Probe result sa OFW deaths sa Kuwait, malalaman sa Lunes – Bello

     2 months ago
19
Leave a Comment
4 SHARE

Inaasahang matatanggap na umano ni Labor Sec. Silvestre Bello III ngayong araw o sa Lunes ang report ng labor attache sa Kuwait ang report kaugnay sa pagkamatay ng pitong overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa kung saan ilan dito ay nagpakamatay.

Sa panayam ng Bombo Radyo ngayong umaga, sinabi ni Sec. Bello na natapos na kahapon ang 15 araw na ibinigay niya sa labor attache sa Kuwait para imbestigahan ang pagkamatay ng mga OFWs doon.

Ayon kay Bello, naantala raw ang resulta ng imbestigasyon dahil wala pang nakuhang forensic report at tanging panig ng Kuwait Ministry of Labor ang hawak na dokumento.

Pero nangako raw ang labor attache sa Kuwait na ngayon o sa Lunes may findings na sila na siyang pagbabatayan kung babawiin na ang suspensyon ng deployment ng OFWs sa Kuwait o tuluyan nang magpatupad ng total deployment ban.

Magugunitang una ng sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung mapapatunayang minolestiya o inabuso kaya nagpakamatay ang mga kababaihang OFWs, tuluyan na nitong ipatitigil ang pagpapadalawa ng manggawang Pilipino sa Kuwait.

Source link

Post Comments