Probinsiya na nasa signal No. 2 dahil kay ‘Basyang’ nadagdagan pa

     6 months ago
18
Leave a Comment
7 SHARE

Napanatili pa rin ng tropical storm Basyang ang lakas nito habang binabagtas ang CARAGA region.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa may 175 kms. Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

May taglay ito ng lakas ng hangin na 65kph malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80kph.

Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 na kinabibilangan ng Bohol, Southern Cebu, Siquijor, Negros Oriental, southern Negros Occidental, Southern Leyte, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, and northern section ng Bukidnon.

Nasa Signal No.  1 naman ang Palawan kasama na ang Calamian Group of Islands at southern section ng Masbate, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, natitirang bahagi ng Negros Occidental, rest of Cebu, Leyte, Biliran, Samar, at Eastern Samar, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, natitirang bahagi ng Bukidnon, North Cotabato, Compostela Valley, Davao del Norte, at Davao Oriental

Source link

Post Comments