Prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno, ‘generally peaceful’ – MPD

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Naging ‘generally peaceful’ o pangkalahatang payapa ang prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Supt. Arnold Ibay ng Manila Police District Station 3, walang mga krimen o kahit insidente ng pagnanakaw ang naitala sa halos 11 oras na prusisyon ng imahe.

Bagaman, mas maraming tao ang nakibahagi ngayon sa prusisyon at nasa 650 replica ang ipinarada, tanging insidente ng mga hinimatay dahil sa pagkahilo at minor injuries na aabot sa 100 lang ang kanilang naitala.

Dahil dito, inaasahan din ng pamunuan ng MPD na wala rin magiging problema sa aktwal na Traslacion sa Martes, January 9.

Dagdag pa ni Ibay, Disyembre pa nang nakaraang taon ay pinaghahandaan na nila ang Traslacion at nakalatag na ang kanilang security plans.

Nasa 220,000 ang kabuang bilang ng dumalo sa prusisyon na nagsimula nang alas-2:00 ng hapon ng January 7 at nagtapos ng 12:43 ng January 8.

Source link

0 SHARE

Post Comments