Pulis at 11 iba pa huli sa buybust operation sa Market 3, Navotas

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Huli sa aktong gumagamit ng bawal na gamot ang isang pulis sa ginawang buy bust operation ng Northern Police District, habang kasama ring inaresto ang mag-ina at siyam na iba pa sa ginawang buy bust operation sa Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City.

Mismong si NPD Director C/Supt Gregorio Lim ang kumilala sa pulis na si PO2 Michael Del Monte, na naka-destino sa PCP 4 sa Caloocan at ilang buwang nang AWOL.

Ang pagkakahuli kay Del Monte ay hindi inaasahan dahil ang pinakatarget ng operayon ang mag-inang Melanie at Romeo na nabilhan ng humigit-kumulang P30,000 na halaga ng shabu.

Nakuha sa mga suspek ang 20 sachets ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, baril at buy bust money.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments