Pulis napatay ng dating dating pulis sa Caloocan

     3 months ago
28
Leave a Comment
3 SHARE

 

Ang nagsimula sa simpleng asaran ay nauwi sa pananaksak at nagresulta sa pagkamatay ng isang pulis sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si PO2 Joel Samonte, habang ang suspek naman ay si Manulito Manantad na isang dating pulis.

Lumabas sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, na natanggal sa serbisyo si Manantad dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong carnapping at paggamit ng iligal na droga.

Nagpapayabangan umano sina Samonte at Manantad nang mapikon ang suspek, dahilan para undayan nito ng saksak ang biktima sa kanyang likod at leeg.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad si Manantad na napag-alamang hindi sumuko sa Oplan Tokhang bagaman gumagamit umano ng iligal na droga.

Babala naman ng hepe ng Caloocan Police na si Senior Superintendent Jemar Modequillo, ilabas na ng sinumang kumakanlong kay Manantad ang supek para hindi na madamay pa sa kaso.

Source link

3 SHARE

Post Comments