Pumatay kay Demafelis, dapat malitis at maparusahan – Palasyo

     2 months ago
11
Leave a Comment
5 SHARE

Ikinagalak din ng Malacañang ang pagkakaaresto na ng isa sa mga pumatay kay Joanna Demafelis, ang Pinay domestic helper na natagpuang nakasilid ang bangkay sa loob ng freezer sa loob ng isang taon sa Kuwait.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ipinagpapasalamat nila ang pagkakaaresto ng Lebanese national pero umaasa silang ito’y malitis at maparusahan sa pagpatay kay Joanna.

“We are thankful for the arrest but hoping that they be prosecuted and punished for Joanna’s murder,” ani Sec. Roque.

Una rito, naniniwala si Labor Sec. Silvestre Bello III na makakatulong para maibalik sa normal ang diplomatic relation ng Pilipinas at Kuwait ang pagkakaaresto na ng nasabing suspek.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Sec. Bello na hindi maikakailang naging “shaky” ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng sinapit ni Joanna sa kamay ng mga amo sa Kuwait.

Ayon kay Sec. Bello, magkakaroon din ito ng positibong epekto para ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa total deployment ban sa Kuwait.

Pero nilinaw ni Bello na mangyayari lamang ito kapag lumagda na sa memorandum of agreement (MOA) ang Kuwaiti government para sa dagdag proteksyon sa mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo sa mga domestic helpers.

Kabilang umano sa mahigpit nilang kinokontra ang tatlo hanggang apat na oras lamang na tulog ng mga Pinay DH, kawalan nila ng day-off, pagkain ng mistulang basura at pagkumpiska sa kanilang mga pasaporte.

Source link

Post Comments