Puno humambalang sa Shaw Boulevard

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Pansamantalang bumagal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Shaw Boulevard na sakop ng Mandaluyong City ngayong hapon.

Ito ay dahil sa paghambalang ng isang puno sa lugar sa tapat ng Honda Cars Mandaluyong.

Nabatid na nabunot ang puno dahil a patuloy na malakas na pag-uulan at bugso ng hangin na nararanasan sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy pang sinusubukan ng mga otoridad na maalis ang nakaharang na puno. Kasabay nito ay inaabisuhan ang publiko na humanap muna ng alternatibong daan upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko sa Shaw Boulevard.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments