Rappler hindi lehitimong news agency-Duterte

     2 months ago
16
Leave a Comment
0 SHARE

 

Hindi legitimate news agency ang Rappler.

Ito ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya pinagbawalan nang makapasok sa Malacañang complex ang kanilang reporter na si Pia Rañada.

Sa ambush interview sa Sara, Iloilo sinabi ng pangulo ipinatutupad lamang nniya ang kanyang executive actions base sa naunang desisyon ng Securities and Exchange Commission na nagkakansela sa kanilang registration dahil sa pag-aari ng dayuhan ang naturang kompanya.

Gayunman, sinabi ng pangulo na nakahanda naman niyang papasuking muli si Rañada sa Malacañang kung mapatutunayang lehitimo na ang kanilang news agency.

Hinala ng pangulo maaring ang Central Intelligence Agency o CIA sa Amerika ang nagpopondo sa Rappler.

 

Source link

0 SHARE

Post Comments