Recruitment firms apela kay Duterte na irekonsidera ang total deployment ban

     2 months ago
23
Leave a Comment
8 SHARE

CEBU CITY – Imumungkahi ngayon ng Philippine Association of Agencies for Kuwait (PHILAAK) kay Presidente Rodrigo Duterte na pag-aralan munang mabuti ang lahat ng mga konsiderasyon tungkol sa naging desisyon nitong total deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kuwait.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Amanda Lilac Araneta, sinabi nito na nakikiisa sila sa naging desisyon ng Pangulo lalo na sa pagpapauwi doon sa mga OFW’s sa Kuwait na nakaranas ng kalupitan mula sa kanilang mga employer.

Ngunit sinabi rin nito na kailangan din umanong isaalang-alang ng pamahalaan ang mga maaapektuhang sektor lalo na at trabaho ang pinag-uusapan.

Isa rin umano sa dapat na irekonsidera ng pamahalaan ay ang mataas na unemployment rate sa bansa kung saan ito ang pangunahing dahilan ng mga Pilipino na makipagsapalaran sa abroad.

Aniya, ang kinikita ng isang domestic helper sa Kuwait ay hindi nito kayang kitain sa Pilipinas.

Malaki rin aniya ang posibilidad na hindi sila makakahanap ng trabaho sa bansa dahil hindi naman masyadong mataas ang kanilang pinag-aralan.

Kaugnay nito, nagbabalangkas na umano ngayon ng mga polisiya at mga rekomendasyon ang PHILAAK upang ipresinta sa administrasyon ni Pangulng Duterte upang maprotektahan pa ang mga OFW.

Tulad na lamang aniya sa proteksiyon laban sa mga pang-aabuso, gayundin para mapabilis ang paghatid ng mga serbisyo sa mga OFW hindi lamang sa Kuwait kundi sa iba’t ibang dako ng mundo.

Isusumite umano nila ang kanilang rekomendasyon sa opisina ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Nanawagan din si Araneta sa lahat ng mga recruitment agencies na maging responsable sa bawat Pilipino na kanilang ipinapadala sa ibang bansa.

Source link

Post Comments