Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Samar provinces dahil sa pag-ulan dulot ng Basyang

     2 months ago
9
Leave a Comment
0 SHARE

Itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Samar provinces dahil sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Basyang.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, red warning level ang itinaas sa Eastern Samar, Samar at Northern Samar.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na ang patuloy na malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot na ng serious flooding at landslides sa mga bulubunduking lugar.

Samantala, orange warning level naman ang umiiral sa Leyte at sa Southern Leyte.

Muling maglalabas ang PAGASA ng abiso hinggil sa pag-ulang nararanasan sa mga lalawigan sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Basyang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments