Regions 1, 2at 3 may pinakamaraming lumulutang na shabu sa mga karagatan ayon sa pangulo

     2 months ago
17
Leave a Comment
8 SHARE

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga karagatan sa regions 1,2, at 3 ang may pinakamaraming shabu na lumulutang.

Ayon sa pangulo, bagong modus na kasi ng mga drug lord ang magluto ng shabu sa mga lumang barko na nasa gitna ng international waters.

Kapag naluto na aniya ang shabu, inilalagay na lamang ito sa kulay asul na plastic bins at nilalagyan ng homing device bago itapon sa karagatan.

At kung mayroon na aniyang nakakabit na device ang mga plastic bins, madali nang matutunton ng mga dealer ang mga palutang lutang na shabu.

Ayon sa pangulo, sa mga nabanggit na rehiyon madalas nakikita ang maraming palutang lutang na shabu.

Aminado ang pangulo na hanggang sa ngayon, ang shabu pa rin ang number one na problema ng bayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

8 SHARE

Post Comments