‘Relasyon ng Kuwait at PH, posibleng masira’ – Kuwaiti official vs Duterte statement

     2 months ago
28
Leave a Comment
8 SHARE

Nagbanta si Kuwait Minister of Foreign Affairs Sheikh Sabah Khaled Al-Sabah na baka tuluyang ikasira sa relasyon ng kanilang bansa at Pilipinas ang deployment ban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga overseas Filipino workers.

Sa pagharap ni Al-Sabah sa joint news conference ng Kuwait kay US Secretary of State Rex Tillerson, ipinaabot ng ministro ang kanilang pagkondena sa mga pahayag ni pangulong Duterte kamakailan ukol sa mga OFW na nakaranas ng pangmamaltrato at abuso mula sa mga Kuwaiti employers.

“We actually condemn the statements of the president of the Philippines. And you know we are communicating with the president of the Philippines and with the minister of foreign affairs of Philippines to try and explain the conditions of work of all Philippines workers,” ani foreign minister.

Kung maaalala, kamakailan ay inihayag ng pangulo ang kanyang pagkadismaya sa sinapit ng mga Pilipinong manggagawa sa kamay ng mga amo mula sa naturang bansa.

“How come my countrymen are suffering brutality, cruelty and death? And you (Kuwait) seem to be oblivious about it. We’ve been complaining that we are showing you shortly. What are you doing to my countrymen? And if I were to do it to your citizens here (Pilipinas), would you be happy? Pinlantsa yung katawan. Parang piniritong gi-litson. Is there something wrong with their culture? (OFW) Is there something wrong with the values?,” ani Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi na maaaring magpadala ng mga OFWs sa Kuwait dahil mistulang ipinapapatay sa mga mapang-abusong employer.

Pero giit ni Al-Sabah, hindi nagkulang ang kanilang bansa sa pakikipag-ugnayan kay Duterte sa pagpapaabot ng kondisyon ng nasa higit 100,000 Pilipinong manggagawa, gayundin sa pagi-imbestiga sa mga kaso.

“We have 130,000 Filipinos working in Kuwait, and they are the community that makes less problems. Of course, there are individual accidents that happen; however, we collaborate in the investigations with the Filipino authorities. So we are in direct communication,” bwelta ni Al-Sabah.

Naniniwala din ang ministro na tanging kooperasyon at usapin sa pagitan ng dalawang bansa ang solusyon sa kasalukuyang krisis.

“However, this escalation will not serve the interests of either Kuwait or the Philippines. The only solution is to cooperate and collaborate on the details of the very sad and unfortunate events that happened,” dagdag pa nito.

“Only this can help us get to the bottom of it, can help increase the cooperation between the two parties, and increase the number of foreign Filipinos working in Kuwait.”

Nitong Martes ng gabi ay humarap ang Presidente sa mga dumating na 116 OFWs na kanyang sinalubong sa NAIA Terminal 1 mula sa Kuwait.

Nitong nakalipas na Lunes nang lagdaan ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang administrative order na nag-uutos sa deployment ban ng mga Pilipino sa Kuwait, alinsunod sa direktiba ng Pangulo.

Source link

Post Comments