Religious groups, hindi pa rin sisingilin ng buwis – DOF

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

 

Nilinaw ng Department of Finance o DOF na ang lahat ng grupo ng mga relihiyon sa bansa ay patuloy na magiging libre sa buwis, sa ilalim ng isinusulong na pangalawang Tax Reform Program ng gobyerno o ang TRAIN 2.

Kasabay nito, itinanggi ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua na ipinapanukala nila na magpatupad ng graduated tax sa mga eskuwelahan at paaralan na pinangangasiwaan ng religious groups.

Sinabi nito na ang mga non-religious schools na kumikita ay isasalang na lang sa performance-based tax incentive.

Una nang inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o TRABAHO Bill.

Layon nito na maging modern ang ibinibigay na insentibo sa buwis at mabawasan ang sinisingil na corporate income tax.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments