Rescue ops sa Thai cave, posible pang abutin ng 2-4 araw

     3 days ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Posible pang abutin ng dalawang hanggang apat na araw ang isinasagawang rescue operation sa isang kweba sa Thailand.

Ayon kay Thai army commander Maj. Gen. Chalongchai Chaiyakam, maaaring abutin ng apat na araw depende sa kondisyon ng panahon at tubig sa loob ng kweba.

Sinabi ng gobernador ng operasyon na dalawang divers ang sasama kada isang tao.

Nagsimula ang operasyon ng 10:00, Linggo ng umaga at tumagal ng 11 oras bago nasagip ang unang biktima sa 12 na batang miyembro ng Thai football team.

Ayon naman kay Chiang Rai acting Gov. Narongsak Osatanakorn, 13 ambulansya at helicopter ang nakahanda sa dalawang magkahiwalay na lokasyon para dalhin ang mga biktima sa ospital.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

3 SHARE

Post Comments