Research, exploration sa Benham Rise, exclusive na sa mga Pilipino – Duterte

     6 months ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

Kinumpirma ng Malacañang na pinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng marine exploration at pag-aaral ng mga dayuhang scientists sa Benham Rise o Philippine Rise.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ni Pangulong Duterte na eksklusibo na lamang sa mga Filipino researchers ang pagsasagawa ng pananaliksik at exploration sa Benham Rise na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay Sec. Roque, ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa Cabinet meeting kagabi kung saan inatasan din nito ang Philippine Navy na habulin ang alinmang sasakyang-pandagat na nangingisda o nagsasagawa ng research sa 13 million ektaryang continental shelf sa silangang bahagi ng Luzon.

Kabilang aniya sa mga aplikasyong kinakansela na ay galing sa Estados Unidos, China, Japan, Korea at Germany.

Napag-alamang inatasan din ni Pangulong Duterte ang Department of National Defense na magpadala roon ng mga Navy vessels at atasan ang Philippine Air Force na magpalipad ng mga eroplano sa lugar para alamin kung may presensya ng mga dayuhan.

Ginawa ng pangulo ang kautusan kasunod ng pahayag ng isang low-level diplomat mula sa ibang bansang nagsabing walang sino mang bansa ang nagmamay-ari ng Benham Rise o Philippine Rise.

Source link

Post Comments