Residente malapit sa bulkang Mayon, inilikas kasunod ng pagputok ng bulkan

     8 months ago
29
Leave a Comment
6 SHARE

(update) LEGAZPI CITY – Iniutos na Albay Gov. Al Francis Bichara ang preventive evacuation sa mga residente na sakop ng six-kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Kasunod ito ng nangyaring pagbuga ng abo ng bulkan bandang alas-5:00 ng hapon ngayong araw.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep, agad na nagbaba ng direktiba ang gobernador sa pangambang posibleng masundan ang pagputok ng bulkan.

Kailangan aniyang masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng ilang barangay sa Ligao City, Malilipot, Camalig, Malilipot, Daraga at Guinobatan.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok at human activity sa six-kilometers permanent danger zone.

Pinayuhan naman ang mga barangay na makipag-ugnayan sa mga alkalde ng bawat munisipyo upang mas madaling maisagawa ang kaukulang hakbang.

Samantala, ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng dagundong ng volcanic debris maliban pa sa mabahong amoy ng asupre.

Nagmistulan din umanong snow ang pagbagsak ng mga abo dahil sa malakas na hangin at pag-ulan.

Source link

Post Comments