Resign ako kung may isang mahistradong magsabing kinausap ko vs Sereno – Duterte

     55 mins ago
5
Leave a Comment
5 SHARE

Nakahanda umano si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa pwesto kung may isang kongresista, senador o mahistrado ng Korte Suprema na magsasabing kinausap niya para patalsikin si “ousted” Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa isang ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang magkomento sa naging desisyon ng Korte Suprema na katigan ang quo warranto petition laban kay Sereno dahil wala naman siyang kinalaman dito.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaya kung may makapagsasabing may sinabihan o diniktahan siyang mahistrado para patalsikin si Sereno, agad siyang bumaba sa pwesto.

Inamin naman ni Pangulong Duterte na totoong nagalit siya kay Sereno at sinabing kaaway na siya ng punong mahistrado dahil pilit siyang sinisising may pakana sa kinakaharap na impeachment complaint sa Kamara at quo warranto petiton sa Supreme Court (SC) na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Source link

Post Comments