Resign call ni Sereno vs Duterte, binalewala lang ng Palasyo

     2 hours ago
5
Leave a Comment
3 SHARE

Ayaw nang patulan pa ng Malacañang ang hamon ni “ousted” Chief Justice Maria Lourdes Sereno kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw ito sa puwesto.

Magugunitang nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang kinalaman sa quo warranto petition laban kay Sereno at kung may isang mahistradong magsasabing kinausap niya, handa siyang magbitiw sa pagkapangulo.

Sinabi nitong Huwebes ng hapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw na niyang magkomento kaugnay kay Sereno gaya ng ginawa ni Pangulong Duterte sa ambush interview.

Ayon kay Sec. Roque, hayaan na lamang daw nila si Sereno na manahimik bilang isang pribadong indibidwal.

Iginagalang naman daw ng Malacañang ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na “premature” ang resolusyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Sereno.

“Well, ako po ay ayaw ko na po magkomento diyan at tingin ko po ang Presidente ayaw na ring magkomento dahil kahapon tinanong niyo naman siya sa ambush interview niyo tungkol kay Chief Justice Sereno di naman po siya nagkomento. Hayaan na po natin siya at hayaan na nating siyang manahimik bilang pribadong indibidwal,” ani Sec. Roque.

Source link

Post Comments