Resignation letter ni CHED Exec. Dir. Karol Marc Yee, natanggap na ng Malakanyang

     3 months ago
17
Leave a Comment
5 SHARE

Kinumpirma ng Malacañang na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Commission on Higher Education (CHED) executive director Karol Marc Yee.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, pagdedesisyunan pa ng pangulo ang pagbitiw sa pwesto ng opisyal.

Nagbitiw sa pwesto si Yee dahil sa harassment na kanyang nararanasan at mga banta sa kanyang buhay.

Sinabi ni Roque na kung kanyang gugustuhin, maaari namang idulog ng nagbitiw na opisyal sa pulisya ang usapin.

Itinalaga ni Duterte si Yee noong June 2017 bilang matapos sibakin ng Ombudsman ang noo’y ng CHED executive director na si Julito Vitriolo dahil sa kabiguang imbestigahan ang alegasyon ng “diploma mill” laban sa Pamantasan ng Lungsod ng Manila.

August 2017, ipinag-utos ng Court of Appeals na ibalik sa pwesto si Vitriolo dahil hindi sapat ang paglabag na kanyang ginawa para sibakin siya sa pwesto.

Gayunman, ayon kay Roque, hindi ipinatupad ng nagbitiw na CHED chairperson na si Patricia Licuanan.

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments