Rock band na Boyce Avenue, babalik sa Pilipinas para sa one-night show

     5 months ago
17
Leave a Comment
3 SHARE

Babalik sa bansa ang Rock band na Boyce Avenue para sa isang gabing show sa June 1 sa Araneta Coliseum.

Ang Boyce Avenue band ay kinabibilangan ng magkakaptid na ‘Manzano’ na sina Alejandro, Fabian, at Daniel.

Huli silang nagtungo sa Pilipinas noong nakaraang taon, kung saan nagkaroon sila ng city tour kabilang ang Maynila, Cebu, Cagayan de Oro, Bacolod, at Baguio.

Naging tanyag ang banda mula pa noong 2007 sa kanilang acoustic covers ng mga popular na awitin.

Makakasama ng Boyce Avenue sa nasabing show si Moira dela Torre.

Si Moira ang nasa likod ng awiting “Titibo-Tibo” na nakapagpanalo sa kaniya sa Himig Handog 2017.

Sumikat din ang awit niyang “Malaya” mula sa pelikulang Camp Sawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments