Rotoras killing case, 95% solved na; hahanapin na lang mastermind – PNP

     2 months ago
23
Leave a Comment
4 SHARE

Rotoras killing case, 95% solved na; hahanapin na lang mastermind - PNP

Dr. Ricardo E. Rotoras, president of the University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) System, was re-elected unopposed as president of the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ngayon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)-10 na mahuhuli nila ang nasa likod ng pagpaslang kay late University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) president Dr. Ricardo Rotoras sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos kanila nang ikokonsidera na naresolba na ang kaso dahil naaresto at nakasuhan na ang isa sa mga hired killer na umano’y responsable sa pagbaril-patay kay Rotoras sa labas ng kanyang bahay noong Disyembre 2017.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Special Investigation Task Group (SITG)-Rotoras spokesperson C/Insp. Mardi Hortillosa na dahil hawak na nila ang akusadong si Johnreal Gamanay, susunod naman umanong misyon nila ang pagtunton sa mastermind ng krimen.

Inihayag ni Hortillosa na binigyan ng mahigpit na seguridad ng task force at naging maigting din aniya ang kanilang koordinasyon sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology kung saan nakakustodiya si Gamanay sa Misamis Occidental.

Sinabi ng opisyal na nasa 95 porsyento na umano nila naresolba ang kaso ni Rotoras.

Subalit nilinaw nito na nauunawaan rin nila na ang pinakanais ng pamilyang Rotoras ay mahuli ang mastermind at mahatulan alinsunod sa nalabag na batas.

Source link

Post Comments