Russian national arestado sa pangmomolestya sa ilang kabataan sa Cebu

     3 months ago
23
Leave a Comment
15 SHARE

Arestado ang isang 45 anyos na russian national makaraang ireklamo ng pangmomolestya sa ilang kabataan sa Consolacion, Cebu.

Kinilala ni Consolacion Police Commander, Chief Inspector Gerard Ace Pelare ang suspek na si Dmitri Nikuli.

Dinakip ang dayuhan ng mga tauhan ng Consolacion Police Station-Women and Children’s Protection Desk bandang ala una ng madaling araw ng Biyernes (May 18).

Nailigtas naman ang mga biktima ng suspek na pawang mga kababaihang babae na nasa idad na lima hanggang labinganim.

Naaresto ang dayuhan kasunod na rin ng reklamo ng ina ng isa sa biktima na dumulog sa mga pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

15 SHARE

Post Comments