Russian pilot patay matapos pabagsakin ang warplane nito sa Syria

     2 months ago
11
Leave a Comment
3 SHARE

SARAQIB, Syria – Kinumpirma ng Russia’s defense ministry na patay ang isang Russian pilot matapos pabagsakin ang warplane nito ng nakalabang mga Islamists terrorists group kahapon sa may bahagi ng northwest Syria.

Nagawa pang makapag eject sa war plane ang Russian pilot pero nasawi ito habang nakikipaglaban sa mga rebelde.

Ayon sa Hayat Tahrir al-Sham (HTS), kilalang isang malakas na jihadist-dominated alliance, na kanilang pinabagsak ang Russian warplane pero hindi nito binanggit ang piloto.

“We were able to bring down the Russian warplane with a shoulder-fired missile above Saraqib in Idlib this afternoon,” pahayag ni Mahmoud al-Turkmani.

Ayon kat al-Turkmani ang kanilang ginawa ay paghihiganti dahil sa walang habas na bombing campaign ng Russian warplanes sa Idlib.

Sa pahayag na inilabas ng Russian defense ministry na kumpirmado nga na bumagsak ang Su-25 warplane sa may bahagi ng Idlib province kung saan patay ang piloto nito.

“A Russian Su-25 aircraft crashed during a flight over the Idlib de-escalation zone. The pilot had enough time to announce he had ejected into the zone,” pahayag ng Russuan defense ministry.

Batay sa ulat pinabagsak ang Su-25 sa pamamagitan ng portable anti-aircraft missile system.

“There have been dozens of Russian air strikes in the area over the past 24 hours. This plane was also carrying out raids there,” pahayag ni Abdel Rahman.

Source link

Post Comments