Sa halip na dilaw: Pula, puti at asul na confetti ginamit sa 32nd EDSA People Power celebration

     2 months ago
45
Leave a Comment
140 SHARE

 

Kung dati ay dilaw na confetti ang nagsisilbing hudyat ng pagtatapos ng anibersaryo ng EDSA People Power celebration, para sa taong ito, magkakahalong pula, asul at puti ang ibinuhos ng mga helicopter sa gitna ng okasyon sa EDSA.

Kanina sa selebrasyon, kapansin-pansin rin ang kakaunting bilang ng mga dumalo na nakasuot ng dilaw na naging simbolo ng tagumpay noon ng 1986 People Power revolution.

Hindi rin gaanong naipakita ng mga dumalo ang ‘Laban sign’ na namayagpag noong ipinaglalaban ng milyun-milyong nagtungo sa EDSA ang paglaya sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa halip na ang ‘Laban sign’ ay pawang ang nakasarang kamao o ‘clenched fist’ na trademark ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakitang itinaas ng nakararaming mga nakilahok sa okasyon.

Ayon kay People Power Commission head Rene Escalante, kanilang sinadya na gamitin ang iba’t ibang kulay ng confetti sa halip na dilaw upang maiwasang maging color-coded ang selebrasyon.

Sa halip, mas ninais nilang gamitin ang kulay na makikita sa watawat ng Pilipinas, ayon pa kay Escalante.

Source link

140 SHARE

Post Comments