Samantalahin ang extension, maghain ng COC sa SK polls – NYC chair

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Labis na ikinagalak ng National Youth Commisison (NYC) sa naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin hanggang ngayong araw ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni NYC chairman Ronald Gian Caderma hinihikayat nila ang mga kabataan sa buong bansa na samantalahin ngayong araw para makapag-file ng COC.

Ayon kay Caderma, bakasyon naman ngayong Sabado kaya may pagkakataon ang iba para sumadya sa tanggapan ng Comelec.

Kasabay nito, ipinaalala ni Caderma ang nakapaloob sa SK Reform Act na nagbabawal sa mga anak ng incumbent official, sa lokal man o national level para tumakbo sa anumang SK position.

Inihayag ni Caderma na layunin nitong habang bata pa, naituturo na ang paglaban sa political dynasty sa bansa.

Source link

0 SHARE

Post Comments