Sandra Cam: Hindi ko inaambisyon ang pagiging Chairman sa PCSO

     8 months ago
37
Leave a Comment
3 SHARE

Walang balak si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam na magbitiw sa pwesto.

Sa harap ito ng bangayan nila ni PCSO General Manager Alexander Balutan kaugnay ng isiniwalat niyang magarbong Christmas party ng ahensya.

Ayon kay Cam, naghihintay lamang siya ng instruction mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Cam, ang pangulo ang naglagay sa kanya sa PCSO at siya lang ang may karapatan na magtanggal sa kanya.

Kung magpasya aniya si Duterte na alisin siya sa pcso, handa aniya siyang bumalik sa pribadong sektor.

Nanindigan si Cam na ginagawa niya ito hindi dahil gusto niyang maging chairman ng ahensya kundi dahil para ipaglaban ang pondo ng PCSO.

Hindi rin niya aniya tatantanan si Balutan sa isyu ng magarbong party at hindi siya titigil maliban na lang kung pagsabihan siya ni pangulo.

Inamin rin ng opisyal na nakatatanggap na siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay mula ng banggain niya ang mga opisyal ng PCSO.

Source link

3 SHARE

Post Comments