SAP Bong Go, dadalo sa Senate probe vs P15.5-B frigate deal

     3 months ago
14
Leave a Comment
7 SHARE

Nakahanda umano si Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go na dumalo sakaling ipatawag siya sa Senate investigation kaugnay sa P15.5 billion frigate deal ng Philippine Navy.

Sa text message sa Malacañang Press Corps, sinabi ni Sec. Go na dadalo siya sa pagdinig para ihayag ang kanyang panig.

Ayon kay Sec. Go, handa rin niyang harapin ang mga nang-aakusa sa kanya dahil kasinungalingan ang mga paratang at wala siyang itinatago.

Inihayag pa ng kanang kamay ng pangulo na mula sa Senado, korte hanggang basketball courts ay handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon at harapin ang aniya’y malisyosong akusasyon laban sa kanya.

“Kung sakaling ipatawag man ako ng Senado hinggil sa frigate issue. Anywhere, anytime I’m willing to face the accusers. Accusations are false. Wala Akong tinatago Wala Akong tinataguan at wala po akong alam tungkol sa issue na yan. From the Halls of the Senate & Congress, to the Courts of Justice and even basketball courts, I will cooperate and face the false and malicious accusations against me,” ani Bong Go.

Source link

Post Comments