Sara Duterte: Hindi ko kaibigan si Speaker Alvarez

     2 months ago
27
Leave a Comment
10 SHARE

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na kahit kailan ay hindi sila naging magkaibigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Wala rin umano siyang problema sa lider ng Kamara pero si Alvarez umano ang unang bumatikos sa kanya kaya kung tutuusin ay ang House Speaker ang may problema.

Nauna nang sinabi ni Alvarez na maituturing na ngayon na miyembro ng oposisyon ang nakababatang Duterte dahil sa pagtatayo nito ng political party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Binubuo umano ng mga pulitikong nasa likod ng political dynasties ang nasabing partido ayon pa kay Alvarez.

Sinabi rin ng House Speaker na walang basbas ng pangulo ang pagtatayo ni Mayor Sara ng bagong partido.

Sa kanyang panig, sinabi ng alkalde ng Davao City na mas maraming kalokohan si Alvarez na dapat ipaliwanag sa publiko.

Binalaan din niya ang House Speaker na huwag makialam sa lokal na pulitika sa Davao City.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Alvarez na hindi na siya magbibigay ng komento sa mga patutsada sa kanya ng Davao City mayor.

Source link

10 SHARE

Post Comments