Sarah Geronimo, wagi sa International Golden Panther Awards 2018

     2 months ago
16
Leave a Comment
12 SHARE

Muling nadagdagan ang listahan ng international awards ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos siyang itanghal na wagi sa kategoryang ‘Best Philippine Act’ ng International Golden Panther Awards 2018 na naganap sa New York, United States.

Ginagawaran sa naturang awards ang pinakaimpluwensyal, pinakamabenta at pinakasikat na recording artists sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa pamamagitan ng online poll itinakda ang mga bibigyan ng parangal.

Samantala, bilang pagdiriwang sa ika-15 taon ni Sarah sa industriya ay isang concert ang hinandog niya sa kanyang fans.

Magaganap ang ‘Sarah Geronimo This Is Me’ concert sa Araneta Coliseum sa April 14.

Source link

12 SHARE

Post Comments