Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

     7 months ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Ang epicenter ng lindol ay naganap sa 52 kilometers South ng Sarangani alas 2:53 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 109 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Nauna dito, ala 1:00 ng madaling araw ay niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Kananga sa Leyte.

Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity 4 sa Capoocan at Palompon, Leyte at Intensity 2 naman sa Cebu City dahil sa nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments