Saudi at Qatar OFWs, bibisitahin na rin ng DOLE; seguridad, titiyakin

     2 months ago
10
Leave a Comment
3 SHARE

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment (POEA) at iba pang concerned agencies sa Kuwaiti government kasunod ng memorandum of agreement (MOA) para sa proteksyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa naturang bansa.

Sa press conference ng tanggapan nitong araw sa Maynila, idineklara ni Labor secretary Silvestre Bello III ang pinaigting na hakbang ng DOLE kontra sa mga illegal recruiters.

“We are bringing battle versus illegal recruitment to a higher level,” ani Bello.

Kaugnay nito, kinansela na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lisensya ng mga private recruitment agencies na may pending na kaso, kasunod ng pag-resolba sa ilan sa mga ito.

“Pursuant to the directive of the secretary of Labor (Bello) to expedite cases of private recruitment agencies guilty or deploying OFW’s to Kuwait, POEA has finally resolved pending cases and we have the list of PRA’s (private recruitment agencies) found guilty of recruitment violations of their corresponding penalties,” ani Administrator Bernard Olalia.

Nasampahan na rin umano, ani ng POEA administrator, ang mga personnel ng kanyang tanggapan kasunod naman ng deployment sa mga hindi kwalipikadong “balik manggagawa” o mga OFW na nagbakasyon lang dito sa bansa.

Humiling na ang Pilipinas sa pamahalaan ng Kuwait na dito gawin sa bansa ang negosasyon para sa bilateral agreement, kung saan ilang probisyon ang nais matalakay at ihain ng tanggapan.

“In negotiation for the MOA, we are requesting (Kuwait) that OFW’s be allowed to hold their passports or leave them with Philippines’ labor attache; and to be allowed to keep their (mobile) phones for communication with their family,” ani Usec. Claro Arellano.

Nakatakdang bumiyahe patungong Saudi Arabia at Qatar bukas, February 22 ang mga opisyal ng labor department para matiyak din ang seguridad ng mga Pilipinong manggagawa roon.

Source link

Post Comments