SC pinal nang pinagtibay ang pagsibak sa 13 PNP top officials dahil sa choppers scam

     3 months ago
17
Leave a Comment
14 SHARE

Pinagtibay na ng Supreme Court (SC) ang resolusyon ng Office of the Ombudsman na nagpapasibak ng tuluyan sa ilang high-ranking offcers ng Philippine National Police (PNP) matapos masangkot sa kontrobersyal na pagbili ng choppers noong 2009.

Sa desisyong natanggap ng Ombudsman, nakasaad ang pag-uutos na sibakin ang 13 opisyal ng PNP na sina: police Dir. Leocadio Santiago, Jr. at George Piano; S/Supt. Job Nolan Antonio, Edgar Paatan, Mansue Lukban at Claudio Gaspar, Jr.; C/Supt. Herold Ubalde at Luis Saligumba; P/Supt. Ermilando Villafuerte at Roman Loreto; C/Insp. Maria Josefina Reco; SPO3 Ma. Linda Padojinog, PO3 Avensuel Dy at non-uniformed personnel na si Ruben Gongona.

Batay sa case record bumili ang PNP ng dalawang standard Robinson R44 Raven I light police operational helicopters (LPOH) na nagkakahalagang P62,672,086.90, at isang fully equipped Robinson R44 Raven II LPOH na nagkakahalaga ng P42,312,913.10 mula sa Manila Aerospace Products Trading Corporation (MAPTRA).

Napag-alaman na isang Robinson Raven II LPOH lang ang nai-deliver mula sa tatlo pagkat ang dalawang Robinson Raven I ay dati ng pagmamay-ari pala ni dating first gentleman Mike Arroyo.

Noong 2012 nang hatulang guilty sa kasong serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest 0f the service ang mga opisyal.

Kaugnay nang pagkakasibak, haharap din ang mga opisyal ng parusang diskwalipikasyon na umupo sa pampublikong tanggapan at pagkawalang bisa ng retirement benefits.

Source link

Post Comments