School principal, sugatan sa pananambang sa North Cotabato

     2 months ago
13
Leave a Comment
4 SHARE

Sugatan ang isang punong guro ng Pikit, North Cotabato sa pananambang.

Nakilala ang biktima na si Ricthel Celestial Pareno, principal ng Barangay Bulol High School na annex ng Pikit National High School.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, papasok na si Pareno sa trabaho sakay ng kanyang motorbike nang tambangan siya dakong alas-7:15.

Bagaman sugatan, nagawa pa ng biktima na humarurot para magpatulong sa mga kaibigan. Itinakbo naman siya sa ospital sa kalapit na bayan ng Midsayap.

Ayon kay Chief Insp. Romy Castanares, hepe ng Pikit police, sinisilip nila ang inggit sa trabaho bilang motibo sa krimen.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at suspek ng krimen.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

4 SHARE

Post Comments