Search and retrieval ops sa 5 missing dahil kay ‘Basyang,’ nagpapatuloy; death toll, nadagdagan ng 4

     2 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang search and retrieval operations sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte para sa limang kataong nananatiling nawawala matapos ang pananalasa ng bagyong Basyang sa Caraga Region.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Alegria Vice Mayor Dominador Esma na nagdeklara na sila ng state of calamity kahapon dahil sa malaking danyos na iniwan ng bagyo sa kanilang lugar na resulta naman sa flashfloods.

Umabot umano sa 80 porsyento ng Barangay Alipao ang nalubog sa baha kung saan lumagpas na sa highway ang siltation.

Kasunod ito ng mga naitalang landslides sa walong mga lugar sa rehiyon, ngunit hindi pa kasama rito ang mga binahang barangay na kinabibilangan ng Alipao, San Pedro at San Juan.

Dahil din umano sa flash floods, nagiba ang kanilang reservoir, kasama na ang mga linya sa tubig na naging mitsa para mawalan ng suplay sa naturang lugar.

Pumalo naman sa 54 na mga bahay ang inanod habang 514 ang partially damaged.

Samantala, nadagdagan pa ng apat ang bilang ng mga namatay sa lugar.

Una nang kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina Gerson Damalerio at Reynaldo Cadayao habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa pang mga indibidwal na natagpuan malapit sa tulay sa boundary ng mga barangay ng Magtiaco at Oano.

Source link

Post Comments