Sen. Antonio Trillanes IV may bwelta matapos ideklarang persona non grata sa Davao City

     7 months ago
412
13 Comments
172 SHARE

‘Truth hurts’.

Ito ang reaksyon ni Senator Antonio Trillanes IV matapos siyang ideklara bilang persona non grata sa Davao City dahil umano sa naging pahayag niya na ‘most dangerous City in the Philippines’ ang naturang lungsod.

Paliwanag ni Trillanes, ang kanyang pahayag ay nakabase sa December 2015 statistics na inilabas mismo ng Philippine National Police (PNP).

Sa naturang datos ng PNP, nakasaad na ang Davao City ang may pinakamaraming insidente ng pagpatay at pumapangalawa naman sa bilang ng insidente ng rape.

“The truth, definitely, hurts. My statement was based on the December 2015 statistics of the PNP (Philippine National Police) that Davao has the highest incidence of murder and second highest in rape,” ayon kay Trillanes.

Giit ng senador, alam naman ng mga taga-Davao ang totoo, gayunman, posibleng tino-tolerate nila ito dahil sa takot o kaya naman posibleng pinaniniwalaan nila ang kasinungalingan na isinusubo sa kanila ng pamilya Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

172 SHARE

Post Comments