Sen. Bam Aquino suportado si Kris sa pagresbak kay Mocha

     2 months ago
40
3 Comments
69 SHARE

Sinabi ni Senator Bam Aquino na susuportahan niya ang pinsang si Kris Aquino sa laban nito kay Communications Usec. Mocha Uson para sa alaala ng mga namayapa nang magulang nito.

Ayon sa senador malinaw naman na may hakbang na wasakin ang magandang nagawa nina dating Sen Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino.

Giit nito, pagpapakita ito ng kawalan ng respeto sa mga tao na namatay para sa bayan maging sa kasaysayan ng bansa.

Dagdag pa ni Aquino ngayon ay mulat na ang taumbayan sa istratehiya ng mga utak sa ginagawa ni UsonĀ at hindi na ito epektibo hindi tulad noon.

Magugunita na inulan ng batikos ang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Filipina sa South Korea at sa kanyang social media account ay nag-post naman si Uson ng paghalik ng isang babae kay dating Sen. Ninoy sa eroplano ilang sandali bago ito mapatay sa Tarmac ng noon ay Manila International Airport.

Source link

69 SHARE

Post Comments