Sen. De Lima humingi ng dasal mula sa taumbayan

     1 month ago
104
4 Comments
848 SHARE

 

Tiniyak ni Senadora Leila De Lima ang publiko na walang dapat ipag-alala tungkol sa kanyang kalusugan.

Ito ay kasunod ng kanyang pagpapa-checkup matapos may makita ng mass o bukol sa kanyang atay.

Sa isang pahayag, sinabi ni De Lima, bahagi lamang ng routine medical checkup ang kanyang pagpapa-CT scan upang malaman kung kailangan ba niyang ma-operahan.

Dagdag pa ng senadora, makakatulong ang CT scan para malaman kung benign o malignant ba ang nakitang bukol.

Nangako rin si De Lima na gagawin pa rin niya ang kanyang mga trabaho bilang senador bagaman nananatili siyang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Kampo Krame.

Aniya pa, ipaaalam niya agad ang resulta ng kanyang CT scan bilang bahagi ng kanyang pagiging public servant.

Nanghingi rin ng panalangin sa publiko si De Lima na maging maganda ang resulta ng kanyang medical examination.

Source link

848 SHARE

Post Comments