Sen. Trillanes inalisan ng police escort

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Kinumpirma ni Senator Antonio Trillanes IV na tinanggalan na siya ng police escort.

Ani Trillanes base sa pagkakaalala niya, mula noong katapusan ng June ay inalis na ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa kaniya.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag sa ambush interview sa isang event sa Teacher’s Village sa Quezon City na dinadaluhan din nina Vice President Leni Robredo at Senator Bam Aquino.

Kamakailan nag-viral ang post ng isang netizen na nagpapahayag ng pangamba na baka matulad si Trillanes kay Tanauan City Mayor Antonio Halili na napatay makaraang bawian ng PNP security detail.

Ani Trillanes, wala namang dapat ipag-alala dahil alam niyang pangalagaan ang kaniyang sarili.

Naniniwala din siyang kung oras na ng isang tao ay oras na niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments