Senate probe sa pagpatay kay Joanna, maltreatment sa OFWs simula na

     5 months ago
15
Leave a Comment
6 SHARE

BACOLOD CITY – Dadalo sa pagsisimula ng hearing ng Senado mamayang hapon ang pamilya ng Negrense overseas Filipino worker na namatay dalawang linggo matapos na makabalik mula sa Kuwait.

Dakong ala-1:00 ng hapon, isasagawa ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at Committee on Foreign Relations ang hearing ukol sa pagkamatay ng ilang OFWs at pagtaas ng bilang ng mga naabusong Pinoy workers sa ibang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod, inihayag ni Migrante Negros coordinator Monina Gulmatico na isasama sa hearing ang kaso ni Josie Perez-Lloren ng Murcia, Negros Occidental.

Ayon kay Gulmatico, hiniling ng Migrante International na isabay na lang ang kaso ni Lloren sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Joanna Daniela Demafelis ng Sara, Iloilo na pinatay at itinago sa freezer ang bangkay sa Kuwait.

Giit ng grupo, parehong maltreatment ang ginawa sa Ilonggo at Negrense OFW dahil sila ay sinaktan ng kanilang mga amo sa nabanggit na bansa.

Nabatid na si Lloren ay dumating sa bansa noong Enero 26 ngunit namatay ito sa ospital noong Pebrero 9.

Hustisya ang isinisigaw ng kanyang pamilya dahil hindi umano ito pinapakain sa tamang oras at sinasaktan.

Siya ay umuwi na payat na payat, mahina at hindi makapagsalita ng maayos dahil sa bukol sa kanyang leeg.

Source link

Post Comments