Senators sa DoJ: ‘Bakit walang BoC officials na nakasuhan sa P6.4-B shabu shipment?’

     7 months ago
31
1 Comment
5 SHARE

Nais ngayon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na pagpaliwanagin ang Department of Justice (DoJ) kung bakit walang nakasuhang mga taga-Bureau of Customs (BoC) kaugnay ng P6.4 billion na shabu shipment.

Ayon kay Lacson, sa tamang panahon ay pagpapaliwanagin nila ang DoJ kung bakit hindi nila kinasuhan ang mga opisyal ng DoJ sa shabu shimpent na nasabat ng BoC sa Valenzuela.

Aniya, kaduda-dudang walang nakasuhan dahil ang BoC naman ang pumipirma para mailabas ang mga kargamento.

Sinabi rin ni Sen. Richard Gordon na pagpapaliwanagin nila si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II kaugnay ng nasabing isyu.

Una rito, sinabi rin ni Sen. Bam Aquino na nagtataka ito sa hindi umano pagkakasangkot ng mga Customs officials sa naturang shabu shipment mula China.

Una rito ay sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Customs broker Mark Taguba.

Habang si Eirene Mae Tatad ay nahuli naman sa San Dionisio, Iloilo at dinala sa Manila.

Si Tatad ang may-ari ng EMT Trading na siyang consignee sa mga container na naglalaman ng cylinders ng shabu ngunit idineklarang general merchandise.

Source link

Post Comments